What's up ketchup!! Makalipas ang 123156454 araw.. Nagkaroon nanaman ako ng pagkakataon para magsulat saaking pahayag. EH MAY PANGHUHUGUTAN EH. Ay.. Ayun. Iniaalay ko 'to sa mga taong namatayan ng kuko. CONDOLENCE PO. Hahaha. Ito, seryoso na. Para po ito sa mga taong iniwan... Iniwan... Oo, inuulit ko. INIWAN!!!!
WALA NA.
At hindi ko maipaliwanag kung bakit sobrang nadudurog ang puso ko sa katotohanang ito, kahit na alam ko na hindi na maipipilit na maibalik pa. SUKDULAN ANG SAKIT NA NARARAMDAMAN KO. Hindi ko rin maintindihan kung bakit tila tumigil ang pagtibok ng puso niya para saakin.
PIGILAN.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong humiyaw.... Magwala. Inihihiyaw ng puso't diwa ko ang sakit na nararanasan ko ngayon. HINDI NA SIYA PARTE NG BUHAY KO. Bagaman, hindi ko mapigilan ang sarili ko na isipin siya. Kasabay sa pagisip ko sakanya.. Eh yung pagbuhos ng malakas ng aking mga luha. Ulitin ko ha? ANG SAKIT KASI. ANG SAKIT SAKIT. Pero kung ipigpipilitan ko pa, diba mas masakit yon? Ayaw ko ng mamroblema. SOBRANG AYOKO NA. Pipigilan ko ang sarili ko na magisip pa.. Pipigilan ko ang sarili ko na magmukhang tanga. PIPIGILAN KO ANG SARILI KO NA IPAGPILITAN PA ANG WALA NA....
NAKAKAHILO. NAKAKAPAGOD.
Nung una, akala ko masaya na ako kapag nakikita ko siya. Kapag nakakasama ko siya. Yung tipong parang ayaw niyo ng dumating yung bukas.. Pero, bigla na lang HINDI MAGPAPANSINAN. Dahil madalas sa mga away na nag-uugat sa napakaliit na bagay na hindi mareresolba kung hindi pa magkukusang lumapit ang isa. Minsan, parang gusto ko ng masuka, sa hilo at pagod sa pagbabago-bago ng emosyon dulot ng mga pakilig na mga away namin. Kadalasan, ako ang umuunawa at nagbibigay. Pero sa pagkakataong ito, hindi na.
May hantungan din pala ang pasensya ng isang tao. Pagod na ako umiyak. Yung tipong hindi kayo okay, nakipagayos siya sa'yo.. Nangako na hindi na niya uulitin ang mga ginawa niya sa'yo noon... PERO NANGYARI NANAMAN. HAY NAKO. Ayoko na, tama na. Maglalabas na lang ako ng sama ng loob.. Pero pagkatapos nito. Wala ka ng mababalikan saakin.
WALA NANG KAMI.
Nakakalungkot isipin na hindi na namin matutupad ang pangako sa isa't isa na “kailan man…….” Ngunit wala akong pinagsisisihan sa desisyon kong MAG-MOVE AT HAYAAN NA SIYA. AYOKO NA RIN SINGILIN SA KANIYA ANG MGA PANGAKO NIYANG NAPAKO. Suko na ako. Ayoko na. Nakakapanibago man, pero kailangan ko masanay na hindi na siya kasama sa araw araw ko.
Siguro hindi talaga kami para sa isa’t-isa.. Ika nga ng mga nakakatanda, Kung hindi ukol, hindi bubukol. Napakatanga ko nga siguro na hindi ko natanto kaagad iyon. Akala ko kasi PERFECT na eh... Hindi ko na nga namalayan. Hindi ko nahalata. Martir na kung martir. Wala nga talagang naghihintay na kinabukasan para samin. WALA NGA SIGURO SA PLANO NG DIYOS ANG MGA PLANO NAMIN. Baka iba talaga ang taong para sa akin at para sa kanya.
KUNG MERON MAN KAMING KINABUKASANG MAGANDA SIGURO HINDI PA RIN BILANG MAGKA-IBIGAN, DAHIL HINDI KAMI MAGKAIBIGAN NGAYON.
Pero sa ngayon, nangingibabaw pa ang galit. Hindi ko alam kung natatakpan lang ng panibugho ang lahat ng pagmamahal ko para sakanya. Kung ano man ang dahilan non, hindi ko makapa sa sarili ko ngayon ang damdamin na tinaglay ko nang binalak kong hamakin ang lahat para sa pagmamahal nya. Para pala talaga akong TANGA.
Ano ang silbi ng lahat ng iyon? Wala. Ganyan talaga ang buhay pag akala mo na-inlove ka. Sa susunod na makakilala ka ng taong mamahalin mo, baka mas maging maayos na ang takbo ng relasyon niyo. Kung sakaling sya ulit yun, maaaring mas maayos o mas masaktan ka.
Anuman ang dala ng hinaharap satin, harapin natin ito ng may ibayong tapang. Hindi sana magdulot ng takot sa atin ang mga nakaraan nating pasakit, upang muling lasapin ang saya ng mga pagsubok na ihahatid ng buhay.
Minsan ko ng nabasa ito sa isang site,
“God wants us to meet a few wrong people for us to learn to appreciate the gift of meeting the right one.”
AYON LAMANG PO!! SALAMAT PO SA PAGBABASA!!!! ☺