Miyerkules, Mayo 23, 2012

Pag-ibig? Naniniwala ako sa salitang yan. :)



Ang pag-ibig ko para sayo ay parang kinopyang assignment. Hindi ko ma-explain. ♥


Hi. Muli akong nagbabalik!!
Pero this time, Hindi na ako sawi sa pag-ibig. Naaalala niyo ba yung huling nasulat ko sa blog ko na, "INIWANAN..."?  This time, IBA NA ANG NARARAMDAMAN KO. Sobrang saya ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya na naramdaman ko ng BUMALIK SIYA.  :)


AKALA KO TAPOS NA ANG LAHAT SAAMING DALAWA.

Akala ko lang pala yon. Sabi nga nila, "Madaming namamatay sa maling akala." Nung nakita ko na nagka-iba ka, NADUROG ANG PUSO KO.. Halos hindi ako makahinga. Hindi ko alam ang poot na naramdaman ko. SOBRANG SAKIT. Napasabi ko sa sarili ko na, "DATI ANG LAKAS NG KURYENTE NA DUMADALOY SATING DALAWA.. Bakit ngayon wala na? MAY NAKIKI-JUMPER NA PALA." Nasaktan ako ng may mga nakita ako sa Twitter mo... AKALA KO, Sobrang saya mo na sa piling niya..

Dumaan ang mga araw na hindi tayo nag-usap.. Hindi kita kayang kausapin. Dahil alam ko, masasaktan lang ako kapag sinabi mo na, MASAYA NA AKO SAKANYA. Pero isang araw, nagparamdam ka.. Tinext mo ako, Sabi mo.. "DENISE ANNE." Bumilis ang tibok ng puso ko.. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sabi ko sa sarili ko, Tangina hindi ako dapat magpahalatang bitter ako.. Kaya nag reply ako, "KEVIN DALE." Naaalala ko, April 26 yon. Siyam na araw matapos natin magbreak.. 

Sinabi mo saakin na namiss mo ako, NATAHIMIK AKO AT NAPANGITI.. Pero naisip ko, "Akala ko ba masaya ka na..." Sinabi ko rin sayo na namiss kita.. SOBRA SOBRA PA SA PAGKAMISS MO SAAKIN. Naaalala ko pa noon, Sinabi ko sayo na, "SABIHIN MO SAKIN NA AYAW MO NA PARA DI NA KITA ISIPIN.." Tapos sabi mo, "Ayoko." Sinabi mo saakin na hindi mo kaya..

Binalikan natin ang mga nakaraan.. Mga nangyari saating masasayang bagay noon. Na-realize mo, na mahal mo pa pala ako... AKO, MAHAL PA DIN NAMAN KITA. Hindi naman nagbago yun. :)


Doon ko naisip na, AKALA KO TAPOS NA.. AKALA KO WALA KA NA.. AKALA KO DI MO NA AKO MAHAL. PERO TANGINA, AKALA KO LANG PALA YON! MAHAL MO PA PALA AKO.. AKO PA RIN PALA ANG PIPILIIN MO. AKO PA RIN PALA ANG NAGPAPASAYA SAYO. AKO PA RIN PALA TALAGA ANG NASA PUSO MO. ♥


NAGKABALIKAN KAMI. BOW.

Ayon na nga, APRIL 26. Alas-tres ng hapon. Nagkabalikan kami. HINDI KO MAIPALIWANAG ANG SAYANG NARAMDAMAN KO.. To be honest, Naiyak ako noon. Hindi dahil sa lungkot, PERO DAHIL SA SOBRANG TUWA AT KILIG. Kumbaga, TEARS OF JOY. Hanggang ngayon, Di ko pa rin lubos maisip na, Pagkatapos ng lahat ng iniyak ko. Pagkatapos ng lahat ng sakit na naramdaman ko. Pagkatapos ng mga pasakit na naranasan ko.. MAGIGING KAMI PALA ULIT.  This time, Mas mamahalin ko siya. Mas pahahalagahan at mas bibigyan ko siya ng oras..

Matutupad na namin lahat ng pangako namin sa isa't isa.
Nagpapasalamat ako sa Diyos kasi binigyan pa niya kaming dalawa ng isang pagkakataon para pasayahin ang isa't isa. 
Para mahalin pa ang isa't isa. Ngayon, HINDI KO NA SIYA PAPAKAWALAN. Wala na akong sasayangin na moment kapag kasama ko siya. 

ANONG ARAL DITO?

Kung mahal ka niya, BABALIK AT BABALIK SIYA SAYO. At kapag bumalik nga siya.. Siguraduhin mong hindi mo na gagawin ang mga pagkakamaling nagawa mo noon. Kung ayaw mo ulit mangyari ang dati sainyo ngayon. MAHALIN NIYO ANG ISA'T ISA NA PARANG WALANG BUKAS. Dahil hindi mo alam, bukas makalawa pwede siyang mawala. Huwag mo hayaang, masira kayo ulit dahil lang sa mga maliliit na bagay.. At mas lalong wag mong hahayaang masira kayo dahil lang SA MGA TAONG PINAGPIPILITAN AT PINAGSISIKSIKAN ang sarili niya sa taong mahal mo. :) Hindi lang sapat na sabihin mo na, "SIYA NA TALAGA PANG-HABANG BUHAY." Mas maganda kung patunayan mo sakanya gamit ang mga effort mo na, SIYA NA ANG GUSTO MO MAKASAMA HANGGANG SA PAGTANDA. Hindi sapat ang mga matatamis na salita para mapanatili ang isang relasyon.. MAS MAGANDA KUNG, Pinapahalagahan niyo ang isa't isa, Kung nageeffort kayo pareho, AT HANDA NIYO HARAPIN ANG MGA MASASAKLAP NA BAGAY AT LAMPASAN ITO. 


Kaya para sa mga taong nagmamahal, wag kayo mawalan ng PAG-ASA.. Kung bumalik man siya, SWERTE KA. Pero kung hindi man, Maging masaya ka na para sakanya. Dahil mahirap maging bitter pang-habangbuhay. Darating din ang taong para sayo.. KAYA WAG KA MAWALAN NG PAGASA NA MAY MAGMAHAHAL KA PA ULIT. :) ♥












Martes, Abril 17, 2012

Iniwanan....

What's up ketchup!! Makalipas ang 123156454 araw.. Nagkaroon nanaman ako ng pagkakataon para magsulat saaking pahayag. EH MAY PANGHUHUGUTAN EH. Ay.. Ayun. Iniaalay ko 'to sa mga taong namatayan ng kuko. CONDOLENCE PO. Hahaha. Ito, seryoso na. Para po ito sa mga taong iniwan... Iniwan... Oo, inuulit ko. INIWAN!!!!


WALA NA. 
At hindi ko maipaliwanag kung bakit sobrang nadudurog ang puso ko sa katotohanang ito, kahit na alam ko na hindi na maipipilit na maibalik pa. SUKDULAN ANG SAKIT NA NARARAMDAMAN KO. Hindi ko rin maintindihan kung bakit tila tumigil ang pagtibok ng puso niya para saakin.  


PIGILAN. 
Hindi ko mapigilan ang sarili kong humiyaw.... Magwala. Inihihiyaw ng puso't diwa ko ang sakit na nararanasan ko ngayon. HINDI NA SIYA PARTE NG BUHAY KO. Bagaman, hindi ko mapigilan ang sarili ko na isipin siya. Kasabay sa pagisip ko sakanya.. Eh yung pagbuhos ng malakas ng aking mga luha. Ulitin ko ha? ANG SAKIT KASI. ANG SAKIT SAKIT. Pero kung ipigpipilitan ko pa, diba mas masakit yon? Ayaw ko ng mamroblema. SOBRANG AYOKO NA. Pipigilan ko ang sarili ko na magisip pa.. Pipigilan ko ang sarili ko na magmukhang tanga. PIPIGILAN KO ANG SARILI KO NA IPAGPILITAN PA ANG WALA NA....

NAKAKAHILO. NAKAKAPAGOD.
Nung una, akala ko masaya na ako kapag nakikita ko siya. Kapag nakakasama ko siya. Yung tipong parang ayaw niyo ng dumating yung bukas.. Pero, bigla na lang HINDI MAGPAPANSINAN. Dahil madalas sa mga away na nag-uugat sa napakaliit na bagay na hindi mareresolba kung hindi pa magkukusang lumapit ang isa. Minsan, parang gusto ko ng masuka, sa hilo at pagod sa pagbabago-bago ng emosyon dulot ng mga pakilig na mga away namin. Kadalasan, ako ang umuunawa at nagbibigay. Pero sa pagkakataong ito, hindi na.

May hantungan din pala ang pasensya ng isang tao. Pagod na ako umiyak. Yung tipong hindi kayo okay, nakipagayos siya sa'yo.. Nangako na hindi na niya uulitin ang mga ginawa niya sa'yo noon... PERO NANGYARI NANAMAN. HAY NAKO. Ayoko na, tama na. Maglalabas na lang ako ng sama ng loob.. Pero pagkatapos nito. Wala ka ng mababalikan saakin. 


WALA NANG KAMI.

Nakakalungkot isipin na hindi na namin matutupad ang pangako sa isa't isa na “kailan man…….” Ngunit wala akong pinagsisisihan sa desisyon kong MAG-MOVE AT HAYAAN NA SIYA. AYOKO NA RIN SINGILIN SA KANIYA ANG MGA PANGAKO NIYANG NAPAKO. Suko na ako. Ayoko na. Nakakapanibago man, pero kailangan ko masanay na hindi na siya kasama sa araw araw ko. 
Siguro hindi talaga kami para sa isa’t-isa.. Ika nga ng mga nakakatanda, Kung hindi ukol, hindi bubukol. Napakatanga ko nga siguro na hindi ko natanto kaagad iyon. Akala ko kasi PERFECT na eh... Hindi ko na nga namalayan. Hindi ko nahalata. Martir na kung martir. Wala nga talagang naghihintay na kinabukasan para samin. WALA NGA SIGURO SA PLANO NG DIYOS ANG MGA PLANO NAMIN. Baka iba talaga ang taong para sa akin at para sa kanya. 
KUNG MERON MAN KAMING KINABUKASANG MAGANDA SIGURO HINDI PA RIN BILANG MAGKA-IBIGAN, DAHIL HINDI KAMI MAGKAIBIGAN NGAYON.



Pero sa ngayon, nangingibabaw pa ang galit. Hindi ko alam kung natatakpan lang ng panibugho ang lahat ng pagmamahal ko para sakanya. Kung ano man ang dahilan non, hindi ko makapa sa sarili ko ngayon ang damdamin na tinaglay ko nang binalak kong hamakin ang lahat para sa pagmamahal nya. Para pala talaga akong TANGA. 

Ano ang silbi ng lahat ng iyon? Wala. Ganyan talaga ang buhay pag akala mo na-inlove ka.  Sa susunod na makakilala ka ng taong mamahalin mo, baka mas maging maayos na ang takbo ng relasyon niyo. Kung sakaling sya ulit yun, maaaring mas maayos o mas masaktan ka.

Anuman ang dala ng hinaharap satin, harapin natin ito ng may ibayong tapang. Hindi sana magdulot ng takot sa atin ang mga nakaraan nating pasakit, upang muling lasapin ang saya ng mga pagsubok na ihahatid ng buhay.

Minsan ko ng nabasa ito sa isang site, 
“God wants us to meet a few wrong people for us to learn to appreciate the gift of meeting the right one.”


"Wala ka naman dapat pagsisihan sa inyong nakaraan. Isipin mo na lang marami kang natutunan dahil sa mga inyong napagdaanan."



AYON LAMANG PO!! SALAMAT PO SA PAGBABASA!!!! ☺

Martes, Abril 10, 2012

Para sa mga taong PINAASA.... Cheers! :-)


Hi mga unli friends! HAHA. Nagbabalik nanaman po ako.... Mangbubulabog nanaman sainyo. Alam niyo kung bakit? Wala lang.... BORED AKO EH. Hahaha. Halina po kayo't tunghayan ang aking pahayag tungkol sa mga taong alam niyo na..... 
Mga dakilang bitter ampalaya sa mundo ngayon. Mga taong kulang na lang eh isumpa ng todo todo ang mga taong nanakit sakanila. Mga taong dinaig pa ang  mga nanalo sa Grammy's ng best  actor/actress sa pagiyak.... Oo, tama po kayo ng iniisip.. 
SILA YUNG MGA TAONG PINAASA.....


Yung mga taong magaling lang sa una. Sa una ka lang nila kaya panindigan pero sa dulo ano ka? GAGO, MAG-ISA KA.



Oh diba? Sosyalin. Nag-upgrade na ang blog ko. MAKULAY NA! Haha. Anyways, Back to our topic....
PINAASA- Ito yung tanginang feeling na pinakamasakit sa lahat. 
Hindi naman natin maiiwasan ang umasa diba? Hinding hindi. 
Admit it. LAHAT TAYO NARANASAN NA NATING UMASA SA WALA... As in sa WALA TALAGA. 
Noong mga bata tayo, mga tipong 3-5 years old pa lang. Eh napaasa na tayo. Alam ko iniisip niyo, "Ha? 3-5 years old? Umasa na tayo? Paano?!?!"
DUH. Kayo naman talaga oh! Parang di dumaan sa pagkabata.. Naaalala niyo pa ba yung mga moments na nangako sainyo parents niyo na bibilhan kayo ng Barbie, Toy car at pupunta daw kayo sa Disneyland.... ANG SAYA SAYA MO.. Tas sabay, "Anak, next time na lang." Oh diba. Ang sakit sa bangs....


PERO DATI YON. Para naman sa mga Dalaga at Binata...

This is you're awaited moment everyone. 
Let us all stand & clap our hands........ chos! Haha.

MAMAYAGPAG NAWA ANG MGA TAONG PINAASA PAGDATING SA PAG-IBIG!! 
 Tribute ko talaga 'to para saating lahat eh. Alam ko makakarelate kayo dito.... Alam mo yung konting lambing lang, nahulog ka agad. Parang laro kasi yan eh, tapos kung sino una mahulog talo. Masasabi ko na, hindi ako perpektong tao. Madaming beses na ako umasa ant nasaktan. Pero paulit-ulit man nangyayari, kahit sabihan ka ng mga tao ng "TANGA MO, ITIGIL MO NA.. WAG KA NA UMASA." Ikaw namang si Gaga, go lang go! Fight ka lang ng fight.... Kahit deep inside, alam mo na may pinaglalaban na siyang iba. Hindi naman masama magmahal eh? Ang masama lang eh yung mahalin mo yung taong alam mong hindi nakalaan para sa'yo..


Tandaan mo, Hindi ka isang brand na ine-endorse nila Derek Ramsey. IN SHORT, Di ka sardinas.. Kaya wag mo ipagsiksikan sarili mo sakanya. Tama ba ako? :-)


Ito..... Ito yung pinaka-bongga kong kinakainisan sa mga lalaki eh! Putangina lang? Napapamura ako. 




Pinaghirapan mong Ligawan tapos LOLOKOHIN mo lang pala...... Bobo mo.
Yung mga lalaki dyang akala nating lahat eh seryoso... Yun pala, as usual.. SA UNA LANG MAGALING. Guys!! Nag-effort effort kayo ligawan kaming mga babae... Tapos kung kailan hulog na hulog kami, siyaka niyo sasabihin na, "Ayoko na pala sa'yo.. Ang tagal mo ako pinaghintay." Ay bobo-bobohan lang tayo Koya? Nahulog na nga sa'yo eh? Tapos hindi ka pa natuwa..... BITCHESA PA ANG IPINALIT MO SAKANYA!!!! Aba bakit...... Ano na ba nangyayari sa mga lalaki ngayon? Nakikisabay na rin kayo sa crisis ng Bansa! 
Ito lang masasabi ko sainyo.... PAKYU KAYO. Hahahaha. Joke. Ito seryoso. 
Hindi ko namang sinasabi na gawin niyong Career ang babaeng nililigawan niyo... Pero guys, Siguraduhin niyo naman na kayo niyo mag-handle ng isang relasyon na may commitment kasi hindi lang laro laro ito... Ang pagkakaroon ng relasyon ay isa ring RESPONSIBILIDAD. Kaya kung lokohan at gusto mo lang tumikim ng sariwang chick eh huwag mo na ipagpatuloy yan. BAKA BUMAHA NA KASI SA PILIPINAS EH... Sa sobrang dami ng mga babaeng umiiyak.... EH kung magsabay-sabay silang lahat? WHOA.... Lubog na ang buong bansa. Diba? 

Sa mga babae naman na mahilig manglandi at magpaiyak din ng lalaki.... Ito lang masasabi ko, MAKAKARMA DIN KAYO MGA HINDOT KAYO. Walang hiya. Kami nga hirap na hirap magka-lovelife tas kayo pinaglalaruan niyo lang? WOW. Ganon ba kayo kaganda? ISIP ISIP DIN PO.





 A piece of advice to the people who's reading my blog!!! 
 Wag na wag kang maiinlove sa taong walang pakialam, dahil para ka lang nagwawalis habang nakabukas electricfan, LAHAT NG EFFORT NASASAYANG.






Yon lamang po! Salamat po sa pagbasa sa aking pahayag. Hanggang sa muli. ☺

Lunes, Abril 9, 2012

Love. Pag-ibig. Ai. Amour. ♥

Hi guys, ako nga pala sa Denise Anne Carlos-Dela Cruz. Isa sa mga pinaka-outspoken na babaeng makikilala niyo. Isang maliit na batang makulit, maarte. (Madalas lang naman haha) at masasabi ko rin po na MAGALING AKONG ADVICE-GIVER PAGDATING SA LOVE..... Pero kapag ako na ang nasa situation, NGANGA AKO. Inyo pong basahin ang aking pahayag at opinyon tungkol sa pag-ibig. ☺

"Love is always patient and kind; love is never jealous;
Love is not boastful or conceited, it is never rude and never seeks its own advantage,
It does not take offense or store up grievances.
Love does not rejoice at wrongdoing, but finds its joy in the truth.
It is always ready to make allowances, to trust, to hope and to endure whatever comes.
Love never comes to an end.
But if there are prophecies, they will be done away with;
If tongues, they will fall silent; and if knowledge, it will be done away with.
For we know only imperfectly, and we prophesy imperfectly;
but once perfection come, all imperfect things will be done away with."
-1 Corinthians 13:4-10


LOVE? Ano nga ba talaga ang tunay na kahulugan ng salitang ito? 
Kahit ako, sa sarili ko.. Eh aminado na hindi ko pa rin gaanong naiintindihan ang ibig sabihing ng salitang iyan. Marahil sa bata pa ako. Mangmang pa kumbaga sa ganyan. Aminado ako, madami dami na rin akong naging lovelife.. Pero hindi ibig sabihin non ay expert na ako..... MAS MADALAS NGA NA NATATANGA AKO EH

Sabi nila, may 3 na klase ang LOVE.

Una,
Yung mapapasabi ka ng, "Binigyan mo ato ng kendi!!!! Love mo atoooo. Love ko din itaw."
Yung tipong kapag hindi siya sumali sa bahay-bahayan eh HINDI MO NA SIYA BATI
Yung full force ang parents niyo pareho ng pag-picture sainyong dalawa kasi ang cute niyo.
Yung akala niyo mahal niyo isa't isa kapag nagbigayan kayo ng barbie at robot.
Eto yung tinatawag nating PUPPY LOVE.
Sabi nila, diyan daw nagsisimula lahat.... Sa pag-ibig mo nung bata ka pa. Pero para sakin? Hindi rin noh! Sabihin na natin na may 25/100 chance na magkatuluyan kayo sa huli ng kababata mo.... Pero mas madalas kasi na nagiging magkaibigan lang kayo sa huli. 
Pagtanda niyo, pag nagkita kayo nagtatawanan na lang kayo kapag naaalala niyo pa yung mga moments na naglalandian kayo nung mga neneng b at boy pick-up pa kayo. SWERTE NA LANG TALAGA YUNG MGA NAMAMATAY NA NAGMAMAHALAN SIMULA PAGKABATA. :-)


Pangalawa,
TRUE LOVE. Sarap basahin noh? TRUEEE LOVEEEEE ♥ Ito yung, hindi man kayo araw-araw nagkakausap at nagkikita... Eh may pahahalaga pa rin kayo sa isa't isa. 
Yung tipong, "Hi." lang na text eh grabe yung ngiti mo abot singit. Hahaha! Ito rin yung kapag sobrang aburido ng araw mo pero nung siya na yung nag-comfort at kumausap sa'yo.. Wala pang isang segundo eh pwedeng maging IKAW NA YATA ANG PRESIDENT OF HAPPINESS NG COKE. 
Walang pinipili ang tunay na pagibig. Lahat tayo nakakaranas at makakaranas nito. Maging girl, boy, bakla, tomboy, butiki, baboy, bungi o may amoy.... Eh magkakaroon din ng ganito. :-) 
Kung may pilosopong magsasabi na "Bakit ang mga pari wala namang karelasyon?" DUH! Sila na nga ata ang pinaka-tunay na magmahal eh... Kasi inalay nila kay God ang BUONG SARILI NILA. 
Lahat tayo nagmamahal. TANDAAN NIYO YAN. Ginawa tayo ng Diyos para mahalin ang isa't isa.... Pero hindi ibig sabihin non, MAGMAHAL KA NG MARAMI HA. 
Be Loyal. Stay Faithful. Have Trust. PARA NAMAN STRONG KAYO. Diba? Oh bongga!! Hahahaha.
At... Kahit na masaktan niyo man ang isa't isa.. 
TANDAAN NIYO; 
Wag palilipasin ang isang buong araw na hindi ito naaayos. WAG SAYANGIN ANG MGA NAPAGDAANAN NIYO DAHIL LANG SA SIMPLENG HINDI PAGKAKAINTINDIHAN NIYO PAREHO. Am I right? Or Am I right? Haha.


At ang pangatlo at pinakamasakit sa lahat,
Mahal..... MAHAL KASI MAY KAILANGAN SAYO.
Ito yung mas madalas nangyayari sa panahon ngayon eh? Naggagamitan lang. Sakit noh? GINAGAMIT KA LANG. Kaya dapat mga totoy at ineng, BE OPEN MINDED. Hindi lahat ng manliligaw sainyo eh dapat niyong patulan. Lagi mong isaisip na, KUNG MAY TIYAGA MAY NILAGA.... Kapag malandi, madaming gustong ulam hindi lang nilaga. At sila pa yung mga mahilig tumihaya at kapag yung tiyan nila may laman ng bata.. WALA NA NGANGA NA.
Gets niyo ba? Kailangan mo magtiyaga, magtiis, maghintay sa kung sino ang ibibigay sa'yo ni Lord. Ikaw rin, sige.. Magmadali ka. Nasa huli ang pagsisisi.
GUYS GIRLS!!!!! Gisingin niyo mga sarili niyo. Kung hindi niyo rin naman mamahalin ang isang tao sa kung ano sila, EH WAG NIYO NA IPAGPATULOY ANG MGA MASASAMANG BALAK NIYO. 
I'll be frank... Lots of teens aged 13-19 in my generation are having sex. 
Mas madalas dito yung mga boys na gusto pang tikman yung mga sariwa at virgin na babae. EH KUNG KOTONGAN KO KAYA KAYO? 
At kayo naman girls!! ISIPIN NIYO NA PARA KAYONG CAKE. Na everytime na magpapagamit kayo, eh nababawasan kayo ng isang piraso.. Paano na lang yung mapapangasawa niyo? KAPIRANGGOT NA LANG NG DAPAT NA ISANG MASARAP NA CAKE ANG MATITIKMAN? Unfair yon diba...


So yun. Sa love may magbebenefit at masasaktan. 
Kaya choose wisely sa taong makakasama niyo panghabang-buhay.

YON LAMANG PO! HANGGANG SA MULI MGA KAIBIGAN! HEHE.